Add parallel Print Page Options

13 At nang siya'y dumating, narito, si Eli ay nakaupo (A)sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay; sapagka't ang kaniyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios. At nang ang tao ay pumasok sa bayan, at saysayin ang mga balita, ang buong bayan ay humiyaw.

14 At nang marinig ni Eli ang ingay ng hiyawan, ay kaniyang sinabi, Ano ang kahulugan ng kaingay ng gulong ito? At ang tao'y nagmadali, at naparoon, at isinaysay kay Eli.

15 Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at (B)ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita.

Read full chapter